Monday, May 25, 2009

ANG PINAKA: POPULAR NA PAMAHIIN

1. Kung gustong makita ang mapapangasawa, humarap sa salamin nang hatinggabi na may hawak na kandila.
2. dapat iwasan ng babae at lalaking ikakasal ang magbiyahe para maging ligtas sa aksidente.
3. Huwag isusukat ang trahe de boda bago ang araw ng kasal at baka hindi ito matuloy.
4. ang lalaking ikakasal ang dapat maunang dumating sa simbahan bago ang babae, upang makaiwas sa malas.
5. Kapag nalaglag ang singsing, belo o aras habang ikinakasal, hindi magiging masaya ang pagsasama ng mag-asawa.
6. Malas ang sukob sa taon, o pagpapakasal ng magkapatid sa loob ng isang taon.
7. habang kumakain pa ang isang dalaga, huwag itong pagligpitan ng pinagkainan at baka hindi na ito makapangasawa.
8. Ang taong sumusunod sa mga yapak ng mga bagong kasal ay malapit na ring humarap sa altar.
9. Kapag umalis ang asawa mo matapos ninyong mag-away, isabit mo ang t-shirt niya sa ibabaw ng kalan at hampas-hampasin mo ito. Sigurado, babalikan ka ng asawa mo!
10.‘wag magwawalis sa gabi. Baka malasin ka.
11.Pag makati ang palad, magkakapera ka!
12.Magbigay ng discount sa unang customer para maganda ang benta (“buena mano”).
13.Ang sinumang makabasag ng salamin ay mamalasin ng pitong taon
14.Ang matulog nang nakatapat ang mga paa sa pintuan ay maagang mamamatay.
15.Kapag may dumaang pusang itim sa iyong harapan, mamalasin ka!

Source : Ang Pinaka TV Show on QTV-11

1 comment: